Dahil sa mga sumusunod na kadahilanan—1) mga lockdown dahil sa ating kasalukuyang sitwasyon kaya’t wala tayong paraang ipadala ang HWMR Pagpapakristal na Pag-aaral ng Deuteronomio, tomo 2 sa mga lokalidad sa labas ng Metro Manila at sa ibang mga lokalidad sa Visayas at Mindanao, at 2) wala tayong paraang iimprenta ang susunod na isyu ng HWMR dahil ang printing press na gumagawa ng ating mga plate para sa pag-iimprenta ay sarado—pagkatapos ng maraming pagsasaalang-alang sa harap ng Panginoon at pakikipagsalamuha sa ilang kamanggagawa, napagdesisyunan naming ipagpaliban ang paggamit sa HWMR Pagpapakristal na Pag-aaral ng Deuteronomio, tomo 2. Sa halip ay gagamitin natin ang mga bersikulo at talababa mula sa Apocalipsis para sa susunod na walong linggo mula Abril 13—Hunyo 7, 2020. Pagkatapos ay sisimulan nating gamitin ang HWMR ng Deuteronomio, tomo 2 sa Hunyo 8.
Pakitingnan ang iskedyul sa ibaba at umaasa kaming maimprenta ito ng mga ekklesia para ipamahagi sa mga banal na hindi maaabot sa pamamagitan ng social media.
Mula sa:
Gospel Bookroom of the Philippines (GBPI)
(Pakiusap tumulong tayo sa pamamahagi ng mga kopya ng Morning Revival Schedule na ito sa mga banal na kakilala ninyo.)
