Menu Close

(Na-update) Patnubay para sa Pagtatamasa ng mga Mensahe sa FAC

Mga mahal naming kapatid,

Maaari na ninyong isagawa ang kumperensya hinggil sa mga mensahe ng FAC sa inyong kani-kaniyang rehiyon na may sumusunod na mga patnubay:

Paano isasagawa ang FAC

  1. Mangyaring i-download ang mga mensahe na pakikinggan at ipamahagi ang mga ito sa mas nakararaming kapatid. Marahil ay mahina ang Internet ng ilang kapatid kaya mainam na i-download muna ang mga mensahe bago ito pakinggan upang maiwasan ang anumang pagkaantala.
  2. Mayroong katambal sa wikang Tagalog ang mga mensahe ng FAC. Ang mga kapatid na nais makinig ng mga mensahe sa wikang Ingles o Intsik ay maaaring mag-subscribe sa www.lsmwebcast.com at magbayad ng pinaliit na halaga na USD 4.95 kada buwan. Isa pang pamimilian ay ang pag-download ng mapakikinggang file sa halagang USD 1.00 kada mensahe. (Matatagpuan ang link sa mga Tagalog na mensahe sa: https://1drv.ms/u/s!AiTAziBHIQiogoUFtUCT1MiaGPbrzQ?e=FzAShc
  3. Hinihikayat namin ang mga kapatid na magtakda ng mga petsa para sa mga pagpupulong ng pag-apaw (overflow meeting) hanggang bago matapos ang quarantine.

Mula sa mga naglilingkod na mga kapatid