Menu Close

Isang Pagtawag sa Panalangin

Ikatlong Sunod ng 24-oras Pandaigdigang Panalangin ng Tagapagbantay sa Marso 31, 2020

Mag-alay ng di-bababa sa 15 minuto sa Marso 31 upang manalangin nang mag-isa o may kasama.

Manalangin para sa sumusunod:

  1. Para makontrol ang pandemic, mabawasan ang mga namamatay, at makahanap ng lunas para sa sakit, upang mapreserba ang maraming buhay—at upang maligtas ang lahat ng tao—na makinig ang mga tao sa babala ng Diyos at magsisi at bumaling sa Kanya.
  2. Para sa mga may kapangyarihan sa mga bansa at sa ating bansa—sa mga awtoridad, sa mga tao sa medical field, at sa mga nasa unahan ng pagtugon laban sa pandemic—na mabisang maisagawa ang kanilang tungkulin.
  3. Para sa salita ng Panginoon na tumakbo at para sa “puting kabayo” ng ebanghelyo na manaig sa mga panahong ito para sa kaligtasan ng lahat ng tao.
  4. Para sa mga banal—kabilang ang matatanda, mga may sakit, mga nangangailangang banal, at mga natutulog at mga bumalik sa dating mga banal—na maging mapagbantay sa kanilang kondisyon; at para sa ating pamilya—kapwa ang ating immediate family at ating extended family, kabilang ang ating mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga kasamahan—na sila ay maging makadiyos, at hindi di-makadiyos tulad ng sanlibutan.

“Ang panalangin ng taong matuwid kapag kumilos ay mabisa” (Sant. 5:16). Umaasa tayong magkakaroon ng ikatlong sunod ng 24-oras na pandaigdigang panalangin ng tagapagbantay sa Marso 31 upang magpalaya ng higit pang kapangyarihan ng Panginoon, na maihahayag hindi lamang sa mga ipinanalangin bagkus sa mga nananalangin din. Hindi lamang dapat manalangin para sa isang bansa, at hindi lamang manalangin sa Panginoon na magligtas ng mga buhay bagkus higit pa para sa lahat ng bansa na bumaling kay Kristo upang tapusin ang kapanahunang ito at pabalikin ang Panginoon. Amen.

Bumabangon at Lumuluhod Upang Manalangin sa Pagkakita ng Tanda

Nagsasalita ang Lucas 21 hinggil sa mga tanda ng pagdating ng Panginoon. Isa sa mga tanda ay ang pagbalik ng Herusalem sa mga Hudyo (b. 24); ang iba pang mga tanda ay kinapapalooban ng salot (b. 11) at ng dalamhati ng mga bansa sa lupa (b. 25). Ang unang tanda ay natupad na, at ang huling dalawa ay natutupad. Sa panahong ito, ang mga mananampalataya ay hindi lamang dapat bantayan ang sitwasyon nang walang ginagawa; sa halip, dapat tayong “magsipagtuwid at itaas ang inyong mga ulo, sapagkat ang inyong katubusan ay malapit na” (b. 28). Sa puntong ito, ang pag-aatas ng Panginoon ay: “Datapwat magsipagbantay kayo, na sa bawat panahon ay nagsisipagdaing, na kayo ay manaig upang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na malapit nang maganap, at upang makatayo kayo sa harapan ng Anak ng Tao” (b. 36). Noong 1967 nang ang Herusalem ay napanumbalik sa mga Hudyo, ang unang tugon ni Kapatid Lee ay ang bumangon sa kanyang higaan sa ospital at kinuha ang kamay ng isang nakababatang kapatid na lalaki upang lumuhod at manalangin. Ngayon sa pagharap sa di-inaasahang pandaigdigang krisis, hindi ba dapat ay may gayong pagtugon din tayo?

Nawa ay dumating ang kaharian ng Diyos at mangyari ang kalooban ng Diyos sa lupa kung papaano sa langit.

Ang panalanging itinuro ng Panginoon sa atin ay: “Dumating nawa ang Iyong kaharian; mangyari nawa ang Iyong kalooban, kung papaano sa langit, gayon din sa lupa.” (Mat. 6:10). “Hindi binabago ng panalangin kung ano ang itinalaga ng Diyos. Hindi kailanman binabago ng panalangin ang anuman. Isinasakatuparan lamang ng panalangin kung anong itinalaga ng Diyos. Sa kabaligtaran, ang kakulangan sa pananalangin at ang kawalan ng panalangin ang bumabago sa mga bagay. Kapag ang bayan ng Diyos ay hindi gumagawang kasama ng Diyos, pahihintulutan Niya ang maraming bagay na Kanyang itinalaga na maantala at hindi matupad” (CWWN, vol. 8: The Present Testimony (1) Issue no. 1)

Sumali sa ikatlong sunod ng 24-oras na pandaigdigang panalangin sa Marso 31.